Linggo, Agosto 14, 2011

ang kwento ng aking buhay

Ang Kwento ng Aking Buhay

Magsimula ng ako'y magkaisip,namulat ako sa buhay na mahirap..Ang aking ina ay walang ibang pinagkakabuhayan kundi ang pangangahoy at ang aking ama naman ay nag eextra kung saan saan,mairaos lang ang kahirapan ng aming buhay.
Dumating ang isang pagsubok sa aming pamilya kung saan kmi ay napilitang makipagsapalaran sa siyudad ng Baguio city.At di nagtagal tinulungan kmi ng iba sa aming kamag anak upang magtayo ng isang maliit na negosyo,tulad ng Ukay-Ukay.Hindi nagtagal at guminhawa ng konti ang aming buhay..nakapagpundar ang aking ina at ama ng mga gamit at napagaral kmi sa mababang paaralan.Tatlo kming mgkakapatid at sa panahon na yun ako lamang at ang pangalawa kong kapatid ang nagaaral,ang bunso kong kapatid ay maliit pa.Isang mabigat na pagsubok ang dumaan sa aming pamilya na humantong sa hindi magandang pagkakaunawaan ng aking ama at ina.Nakita ko ang pananakit ng tatay ko sa nanay ko ng paulit-ulit,linggo,buwan,taon,.at kaming magkakapatid ay nararanasan din ang kalupitan ng aming ama.At madalas ko marinig sa kanilang pagtatalo ang malimit na pambababae ng aking ama.At dumating sa puntong kinailangan ng hiwalayan ng aking ina ang aking ama.Para sa akin mas nakabuti pa ang paghihiwalay nila kesa nakikita ko na kaawa awa ang aking ina sa kamay ng aking ama,
Pagkalipas ng ilang taon na paghihiwalay nila,nakakilala sila ng kani-kanilang panibagong pamilya,at kaming tatlong magkakapatid ay salitan sa pagaaruga at pagpapaaral ng isa sa aming magulang.
Akoy ngdalaga,at ang aking dalawang nkababatang kapatid na lalaki ay lumalaki na rin.Dumating ulit sa puntong natira ako at ang pangalawang kapatid ko sa aming ama,kami'y kanyang pinagaral sa mababang paaralan.Ngunit nuon ko ulit nasaksihan ang pananakit ng aking ama sa itinuturing ko na pangalawang ina,at ganun din ang panankit sa aming dalawang magkapatid,
Bilang ko ang paulit ulit na pananakit sa aming lahat,4 hanggang 5 beses na pananakit sa loob ng isang buwan.At nayari ko ang unang termino ng aking pagaaral sa highschool,at ganun din naman ang isa kong kapatid,tiniis namin ang hirap ng pinagdaanan namin sa kagustuhang makatapos ng pag aaral at kahit paano'y nalagpasan namin ang pagsubok.Umuwi kaming magkapatid sa aming ina,masakit sa aking pagdating ang nagisnan kong paghihirap ng buhay ng aking ina sa kawalan ng hanap buhay,ngunit sa aming pagbabalik ay pinilit na iahon ni nanay ang aming buhay upang mapakain at mapag aral kami ng aking mga kapatid.Tiniis namin ang hirap ng buhay.Kahit walang baon na pera ay tinanggap ko ng bukal sa aking kalooban,at kahit naglalakad kami ng malayo araw araw makapasok lang sa eskwela ay tiniis namin.Sa awa ng diyos ay nakatapos ulit ako at ang aking mga kapatid...itutuloy..